Friday, February 5, 2010

JOLOGS ang TAGALOG...


Bihira lang talaga ako manood ng Tagalog na mga pelikula. Madalas, kapag manonood ako sa sinehan, foreign films ang pinipilahan ko. Nakakanood naman ako ng Filipino movies, pero kapag pinapalabas na lang din sa TV, at kung minsan, kapag wala na lang talagang ibang mapanood.

Nasa ganun akong kalagayan nang nailipat ko yung channel isang araw sa STUDIO 23. Ang palabas ay JOLOGS.

Hindi ito yung unang beses na napanood ko ito. Naalala ko bigla na maganda ang mensahe ng movie na ito. Tungkol ito sa iba’t-ibang uri ng klasipikasyon ng tao sa salitang JOLOGS. Ang Jologs o baduy para sa akin ay isa lamang “state of mind”. Tayo lang ang nakakakita niyan. Sabi nga ni Assunta sa pelikula, masama man daw siyang tao sa paningin ng iba, hindi naman ibig sabihin noon ay masama na nga siyang tao. Ang jologs sa paningin mo ay hindi jologs sa palagay niya. Ang totoo, lahat tayo may pagka-jologs. Yung iba, naitatago lang nila o kaya pinipilit i-deny.

Bottomline, wala namang masama kung manonood ka ng Tagalog movies. Meron naman kasing mga pelikulang Filipino na may sense at less commercialized. Jologs man sa iba, mas jologs pa rin ang Filipinong hindi marunong magpahayag ng paghanga sa pelikulang Tagalog.

Ako, siguro mapili lang din ako sa mga Tagalog films na gusto kong mapanood. JOLOGS ako. Pero di lang dahil sa panonood ko ng Tagalog films. Jologs ako dahil jologs ang kilos ko at ang isip ko.

Shet, ang jologs!

2 comments: